Isang babae na nagbugaw ng kanyang limang anak para sa online sexual activities sa dayuhan ang kinasuhan sa Department of Justice (DOJ).
Ang babaeng naaresto sa Dinalupihan,Bataan na hindi pinangalanan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 11930 na may kinalaman Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM); RA No. 11862, Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamiyendahan at RA . 7610.o Anti-Child Abuse Law.
Napag-alaman na ang kanyang mga anak ay pawang menor de edad kung saan 17 anyos ang pinakamatanda.
Ayon sa DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant to Search, Seizure and Examine Computer Data (WSSECD) mula sa Makati Regional Trial Court.
Sa isinagawang operasyon ng NBI at IACAT, nakumpiska sa babae ang tatlong cellphone na may mga sexual video ng kanyang mga anak .
Nasagip ang limang bata na ngayon ay nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office(MSWDO,)
Napag-alamang nag-ugat operasyon ng NBI matapos ang referral ng Australian Federal Police noong 2022 nang arestuhin ang isang Australian national na inaresto sa Sydney International Airport mula sa Thailand dahil sa kasong may kaugnayan sa child exploitation.