NANAY, DALAWANG ANAK, GINILITAN, PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

NAKA-hospital arrest ngayon ang isang lalaki na hinihinalang gumon sa ipinagbabawal na gamot matapos ang karumal-dumal na krimen na ginawa niya nang gilitan ng leeg ang kanyang kinakasama at dalawang paslit na anak sa Naga City, Cebu.

Sa ulat na ibinahagi ni PSSgt. Ariel Yap, imbestigador ng Naga City police, patay ang 32-anyos na live-in partner ng suspek at anak nitong isang 11-anyos at dalawang taong gulang na musmos.


Sinasabing duguan at patay na nang madatnan ng kanilang mga kapitbahay ang mag-iina sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa mga residente, nangyari ang krimen sa mismong bahay ng pamilya sa Barangay Lutac.

Lumilitaw sa paunang imbestigasyon na narinig ng mga kapitbahay ang pagtatalo ng mag live-in hanggang sa mauwi ito sa sigawan ng mga biktima at nang daluhan sila ay nakitang may mga sugat na sa leeg ang tatlong biktima na nakahandusay sa sahig.


Ayon kay PSSgt. Ariel Yap, imbestigador ng Naga City police, ginilitan ang mga biktima gamit ang may 18-pulgadang patalim.

Sa tulong ng mga residente ay nadakip sa ‘hot pursuit operation’ ang suspek nitong Lunes ng hapon, subalit nagtangka itong takasan ang mga awtoridad kaya nabaril ito sa tuhod ng mga humahabol na pulis.


Murder at double parricide ang inihahandang kaso laban sa suspek na sangkot rin umano sa iligal na droga kaya iniutos na isailalim din ito sa drug at neuro-psychiatric test.


Tags: Naga City Police

You May Also Like