Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng isang security guard na tinangka niyang tagain nang awatin sa ginagawa nitong pagtaga sa isang lalaki ,kamakalawa ng gabi sa may kanto ng Mabini Street at Pedro Gil St.sa Ermita,Maynila.
Kinilala ng Manila Police District -Station 5 ang nasawi na si Arsito Santamen ,alyas Lakay, nasa hustong edad at taga na nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’tbang bahagi ng katawan, habang isinugod naman sa ospital ang tinaga ni Santamen na si Acmad Ignacio y Caingat,alyas Bogart, 31,at taga 151 San Agustin .
Itinurn-over naman sa MPD-homicide section ang suspek na si Arnel John Barcoma y Pendejito, 33, security guard at taga Ipil-Ipil St. corner Tindalo St., North Signal, Taguig City.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas- 7:40 ng gabi sa nasabing lugar sa Ermita,Maynila.
Una umanong nagkasagutan sina Santamen at Ignacio na nauwi sa pananagana ng una sa huli.
Nakita umano ni Barcoma ang nangyari kaya nilapitan si Santamen para awatin pero sa halip na.magpaawat ay pinagbalingan nito ng galit si Barcoma.
Nang tatagain na ay dumipensa si Barcoma at pinagbabaril si Santamen na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.