Latest News

NAMARIL NG KALIVE-IN, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 5 ang 32-anyos na lalaking namaril sa kasagsagan ng pakikipagtalo sa kanyang kinakasama sa loob ng isang gusali sa isinagawang entrapment operation ,kamakalawa ng gabi sa kanto ng Mabini at Padre Faura Streets sa Ermita, Maynila.

Alas- 10:50 ng gabi nang maaresto ang suspek na si Lyle Adams Fernandez, ng Brgy. Anolit Mangaldan, Pangasinan sa nabanggit na lugar matapos na pumayag ang complainant na si Lizel Raguindin, 32 rin ,ka- live in partner ng suspek at secretary ng Lifework International Manpower, ng 1408 Perdigon St. Ermita, Maynila na makipagkita nang makatanggap ng text message sa suspek.

Lingid sa kaalaman ng suspek, ipinabatid ng biktima sa pulisya ang pagnanais nito na makausap siya sa huling pagkakataon kaya ikinasa ang entrapment operation, dahilan para siya maaresto sa lugar at nakumpiska sa kanya ang isang. 38 kalibre ng baril.


Una umanong inabangan ng mga pulis ang suspek sa bus terminal pero hindi nila nakita ang suspek.

Nabatid na kasamang nagreklamo ni Raguindin laban sa suspek sina Melvin Solivio y Yorac, 78 , CEO ng Lifework International Manpower Inc . na.matatagpuan sa Room 401 CRS Building 1535 Perdigon St. Ermita, Manila;Edme Tandingan y Herbania, 23 , secretary at taga 1522 Merced St Paco Manila at Emmalyn Evangelista y Tejada, 36, recruitment staff.


Nabatid na namaril ang suspek alas- 10:30 ng umaga matapos na habulin ang kinakasama na gusto nang makipaghiwalay sa kanya, sa loob ng opisina pero hindi pinapasok ang suspek sa pinto sa kabila na nakaumang na ang kamay nito na may hawak na baril, kaya ito nagpaputok.

Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591, RPC (Illegal Possession of Firearm and Ammunition of Regulation Act), Art. 155, RPC (Alarms and Scandal and/or Indiscriminate Firing). Art. 285, RPC (Other forms of Threats), Art. 266, RPC (Slight Physical Injury) at R. A 9262 (Violence Against Women and their Children) sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District - Station 5

You May Also Like

Most Read