NAMAHIYA NG DALAGITA, KULONG NG ANIM NA TAON

By: Jaymel Manuel

ISANG babae na inireklamo dahil sa pamamahiya ng isang 16-anyos na dalagita noong Agosto 2013 ang hinatulan ng Supreme Court (SC) ng apat hanggang anim na taon at siyam na buwang pagkakulong.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez ng SC 2nd division, ibinasura nito ang ‘petition for review on certiorari’ na isinampa ng akusadong si Rowena Plasan at kinatigan nang may ‘modification’ ang hatol ng Regional Trial Court (RTC) na unang naghatol kay Plasan sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610, o Anti-Child Abuse Law.


Bukod sa naturang hatol, inatasan si Plasan na bayaran ng P20, 000 ang dalagitang biktima bilang moral damages.

Ang pagsasampa ng kaso kay Plasan ay nag-ugat sa dinanas na emotional at psychological abuse ng biktima nang marinig nito ang sinabi ng akusado na
“Ja, look at ,that, is that the body of a virgin? She went to her parents for her to have an abortion.”

Napahiya umano ang biktima dahil malakas itong sinabi ni Plasan kaya umuwi ito ng babay at nagsumbong sa kanyang ina, dahilan para sampahan ng kaso sa mababang hukuman ang akusado hanggang sa mapatunayang ‘guilty’ ng korte.


Ang akusado ay umapela sa Court of Appeals (CA) subalit pinagtibay ng CA ang hatol ng hukuman hanggang sa iapela sa Supreme Court ang naturang hatol.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like