Na-recover ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 1 ang isang ninakaw na motorsiklo sa harapan mismo ng Barangay Hall ng Barangay 93 sa Tondo, Maynila.
Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek na nakilalang si Kenneth Morales y Lacsamana, 29 at residente ng 441 C2 Capulong Brgy 93, Tondo, Maynila.
Sa reklamo ng biktimang si Jessa Yamio y Rodriguez, 28, cashier sa Tienma Taiwanese Cuisine at taga-Brgy 20 Parola, Tondo Maynila , nakaparada ang kanyang Yamaha MiO sa harap ng cuisine nang mawala ito alas- 4 ng hapon noong Hunyo 19.
Ilang araw umanong nagsagawa ng follow -p operation ang pulisya hanggang sa matunton ang motorsiklo sa harap ng Barangay Hall, alas -11:30 ng hatinggabi.
Napag-alaman na si Morales umano ang nagparada sa lugar ng nakaw na motorsiklo.
Batay sa beripikasyon, una na umanong nagkaroon ng. kasong paglabag sa RO 844 (brach of peace) at RA 10591 (Illegal possession of firearm and ammunition) ang pinaghahanap na suspek noong Setyembre 23, 2021.