NAKAMOTORSIKLONG PULIS, SUMALPOK SA TRAILER TRUCK, PATAY

By: Baby Cuevas

Agad na binawian ng buhay ang isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame, matapos na bumangga sa isang trailer truck, habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampalo, ang biktimang si Arnel Cualan Rovira, 42, may-asawa, miyembro ng Philippine National Police (PNP), nakatalaga sa Health Service ng Camp Crame at nakatira sa Las Palmas Subd, Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Napag-alaman sa Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS) na nang maganap ang insidente ay nakahinto sa ‘red light’ ang trailer truck na Isuzu na may plakang CBR- 3141 sa kahabaan ng westbound lane ng R.M Boulevard sa harap ng United Bethel Church sa Sampaloc, Maynila at minamaneho ni Jonry Bordon Turtoga, 33, ng Caloocan City, alas- 2 ng madaling araw.


Bigla umanong sumalpok ang motorsiklo ng naturang pulis sa harapang bahagi ng truck at sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.


Nasa kustodiya ngayon ng MDTEU -VTIS si Bordon at isinasailalim sa imbestigasyon habang inaalam ang dahilan kung bakit bumangga ang biktima sa trailer truck gayung nakahinto ang nasabing truck.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read