Uminom muna ng alak bago nagbigti ang isang 37- anyos na lalaki matapos na magka- problema sa pera sa pinapasukan niyang trabaho,kamakalawa ng umaga sa Tondo,Maynila.
Nagbigti ang biktimang si Archie Nicolas,taga 2217 F.Molave St.Tondo,gamit ang isang nylon cord alas 11:35 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Zoilo Nazario,ng Manila Police District-homicide section, huli umaning nakitang buhay ni Edilberto Pacamarra,na umiinom mag isa ng alak sa may hagdanan ang biktima alas 10:10 ng umaga.
Nakita umano ni Julieann Nery ,kaanak ng ka live in partner ng biktima na si Jennelyn Pacamarra,35,empleyado ng Manila Health Department na nakabigti ito sa kisame pagpasok sa bahay.
Sa impormasyon naman ibinigay ni Pacamarra,sinabi nito na may dinadalang problemang pinansiyal sa kanyang trabaho ang ka live-in na maaring dahilan ng kanyang pagpapakamatay.(Philip Reyes)
Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pagpapakamatay ng biktima.














