NAIA, MADAMI NANG IPINAGBAGO MULA MAG-TAKEOVER ANG NNIC

By: Jerry S. Tan

Talaga namang madami nang ipinagbago ang mga pangunahing terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula nang mag-takeover ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) na pinamumunuan ng CEO at Presidente nitong si Ramon S. Ang at general manager nitong si Lito Alvarez.

Bukod sa mga imprastraktura, nakipag-ugnayan din ang NNIC sa Meralco upang maging maayos ang supply ng kuryente. Binuksan din ang main arrival curbside para sa lahat ng pasahero sa NAIA Terminal 1 upang maging mas madali ang pag-pickup ng mga pribadong sasakyan, ride-hailing services at metered taxis.

Nito naman kelan lamang ay pinalakas ng NNIC ang NAIA Inter-Terminal shuttle fleet sa pamamagitan ng pagdaragdag ng walong bagong bus.


Ang layunin naman nito ay upang ihanda ang terminal sa lalo pang lumalaking bilang ng mga pasahero sa NAIA.

Sa pagdagdag ng inter-terminal shuttle buses ay nasa 12 na ngayon ang kabuuang bilang ng shuttles sa NAIA para sa mas maayos na passenger mobility.

Originally kasi, ang disenyo ng NAIA ay para sa 35 million passengers kada taon pero nitong 2024 ay umabot ang pasahero ng NAIA sa 50.1 million o 10.43% increase kumpara noong 2023, lagpas-lagpas sa pre-pandemic levels.

“NAIA is operating well beyond its capacity, and while major infrastructure upgrades are in progress, expanding our shuttle fleet is an immediate step to improve accessibility and convenience for passengers,” ani NNIC President Ramon S. Ang.


Ang mga panibagong bus ay nariyan para magserbisyo nang walang tulugan. Nagbibigay ang mga ito ng libreng ‘transfers’ o paglilipat ng mga pasahero na may connecting flights, kung saan nababawasan ang hintayan at pagiging masikip.

“They complement broader improvements, including expanded terminal curbsides and an upgraded traffic system for smoother operation,” paliwanag pa ni Ang.

Kelan lamang ay nag-deploy din ang NNIC ng dalawang bagong ambulansiya para sa pagbibigay ng mabilis na medical assistance kapag kinakailangan.

‘Yan ay bukod pa sa tatlong “follow-me” vehicles na, ayon kay Ang, ang layunin ay “to improve aircraft guidance and reduce taxi times and four inter-terminal coasters to facilitate seamless passenger transfers, particularly for those with connecting flights or mobility challenges”


Matatandaan na nag-takeover ng NAIA operations ang NNIC, isang San Miguel Corporation-led consortium, noong Setyembre 2024 lamang pero mula noon ay madami na itong nagawang hakbang para gawing moderno ang pangunahing paliparan ng ating bansa, bilang suporta na din sa turismo at economic growth ng Pilipinas.

Ayon kay RSA, madami pa daw siyang balak sa NAIA at aabangan natin ‘yan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read