Airport general manager Cesar Chiong announces having met with over 30 airline companies to ensure smooth departure of passengers after the holidays. (JERRY S. TAN)

NAIA GM, PINULONG MGA AIRLINES PARA SA ‘HASSLE-FREE DEPARTURES’ MATAPOS ANG HOLIDAYS

Pinulong ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong ang mga kinatawan ng mahigit na 30 airline companies na nago-operate sa NAIA Terminals, upang tiyakin ang ‘hassle-free travel’ sa pagtatapos ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Chiong, na kasama sa pulong ni senior assistant general manager Bryan Co sa nasabing pulong, na partikular niyang binigyang-diin na kailangang buksan nang nasa oras ang mga check-in counters at kung maari ay mas maaga pa, upang ma-accommodate din ang mga pasahero na dumarating nang maaga upang iwasan ang trapiko.


Ani Chiong, batay sa standard advisories ng mga airlines, ang mga pasahero ay pinapupunta sa airport nang tatlong oras bago ang kanilang flight para sa international destination at dalawang oras naman para sa domestic travelers.

Wala umanong saysay ang ganitong advisory kung hindi naman din magbubukas nang maaga ang mga counters ng airlines.

Kapag maaga magbukas ang counters ay awtomatiko umanong mababawasan ang pagtitipon ng mga pasahero sa lobby area.


Napag-alamang mura lamang ang ibinabayad ng mga airlines para sa bawat counter at ayon kay Chiong ay balewala ito kumpara sa buting idudulot para sa mga pasahero.

Ani Chiong, ang nasabing pulong ay kanyang ipinatawag dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong papaalis ng bansa o pabalik probinsiya sa pagtatapos ng holiday season.


Libo-libo umano ang inaasahang aalis kaya’t dapat na tiyaking maayos at mabilis ang mga proseso.t.

Sinabi ni Chiong na mahalagang makalikha ng ‘pleasurable lasting impression’ sa mata ng mga departing passengers para maibahagi nila ang karanasan sa iba at makahikayat ng mga bisita patungong Pilipinas. (JERRY S. TAN)


Tags: Cesar Chiong

You May Also Like