Latest News

Nahuling drug suspect kasama ng baywalk bodies, hindi PMAer – Col. Zagala

TAHASANG itinanggi ng Armed Forces of the Philippine na naging ng kasapi hukbo ang drug personality na nadakip ng mga awtoridad kasama ng isang miyembro ng baywalk bodies at tatlong iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang sinasabing ex AFP officer at member daw ng Philippine Military Academy Class 1987 na si Fidel Samson Jr, alyas Jake, .

Batay sa paunang ulat mula sa CPD district drug enforcement unit, ikinasa ang operasyon laban sa target na si alyas Jake, 58, dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines bago masibak sa pwesto noong 1989 matapos masangkot sa coup de etat.

Ayon kay Col. Ramon “Demi” Zagala ; “Mr Samson is not an officer of the AFP as he claimed. He is an ex-cadet reaching 2nd year prior to his dismissal from PMA. He was also not involved in the 89 coup.”

Tinatayang aabot sa P800,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya sa grupo ni Samson sa ikinasang buy-bust operation sa La Loma, Quezon City.

Kasamang inaresto ang 4 na kasamahan nito, kabilang ang isang babaeng umano’y miyembro ng dating all girl dance group na Baywalk Bodies.

Base sa report na isinumite ng DDEU sa pamumuno ni PMAJ Wennie Ann Cale, kinilala ang mga suspek na sina Fidel Samson Jr alias “Jake”, 58; Kathrine Santos alias “Kat-Kat”, 34 ; Victor Ronquillo alias “Bong”, 54 residente Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City; Ferdinand Parado, 52; at Lisa Cuenco, 57, kapwa naninirahan sa Fordham White Plains, Quezon City.

“Furthermore, investigation also revealed that Samson Jr., Santos and Rinquillo are listed in the Directorate of Intelligence (DI) drug watch list. Moreover, Samson Jr. was a member of Class ’87 of the Philippine Military Academy who served in the Armed Forces of the Philippines but was removed from his post in 1989 due to Coup D’etat while suspect Santos was a former member of Baywalk Bodies. Samson Jr also had a case for violation of RA 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in 2011 and a case for violation of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 in 2017, ayon sa inilabas na pahayag ng CPD kahapon.

Sugatan ang 2 pa sa kanilang kasamahan matapos tumakas umano sa gitna ng operasyon sa Barangay Salvacion. Nabangga ang minamaneho nilang sasakyan sa isa pang sasakyan at kasalukuyan silang nagpapagaling sa ospital.

Nakumpiska sa mga suspek ang 120 gramo ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 at isang 9 mm na baril.

Nahaharap sa patong patong na kaso gaya ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Omnibus Election Code ang mga suspek na nakipagbarilan pa sa mga humahabol na awtoridad habang tinatangkang tumakas. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read