Nagwawalang miyembro ng Bahala na Gang, lumaban sa pulis

By: Baby Cuevas

Isang miyembro ng Bahala na Gang na inawat sa pagwawala, kahapon ng madaling araw sa may Arellano Avenue corner Zobel St., Brgy. 756, Malate Maynila ang nahaharap sa patong-patong na kaso matapos na manlaban sa isang pulis-Maynila at tinangka pang agawan ito ng baril .

Nasa kustodiya na ng Manila Police District -Police Station 9,ang suspek na si Raymond Cueto, 48, ng 142 Evangelista St., Maliksi 2 Bacoor, Cavite at No. 1845 Tinkian St., Salud, Pasay City.


Nabatid sa MPD-PS9 na tumawag umano sa istasyon ng pulisya ang isang Herminion Agbuya,47, barangay kagawad ng Barangay 755 Zone 82, District V, Malate at inireklamo ang pagwawala ng isang lalaki sa nabanggit na lugar ,ala-1:30 ng madaling araw.

Kaagad namang rumesponde sina Cpls Haji Imperial at Arce James Saique,kapwa nakatalaga sa Arellano-PCP at nadatnan ang pagwawala ng suspek habang sumisigaw ng “LUMABAS ANG MATAPANG MGA P… INA NYO”.

Nilapitan ng dalawang suspek ang biktima at pinahinto sa kanyang pagwawala pero sa halip na huminto ay tinabig nito ang kamay ni Imperial at nanlaban.


Tinangka rin nitong kunin ang nakasukbit na baril sa holster ni Imperial dahilan para magpambuno ang dalawa pero kalaunan ay nagapi rin ang suspek.

Nakuha sa shorts ng suspek ang isang balisong.


Sinampahan ng kasong alarm and scandal, paglabag sa City Ordinance 864-C (Concealing Bladed Weapon) at paglabag sa Article 151 RPC (Resistance and Disobedience to a Person of Authority) ang suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 9

You May Also Like