Isang security officer ang dinaki[ matapos na magwala sa hallway ng Citihub Dormitory sa No. 3250 1st St., Brgy. 601, Sta. Mesa, Maynila.
Nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station 8, ang suspek na si Benjamin Lacson,49, ng No. 732 L Tolentino St. Barangay 88, Grace Park Caloocan City.
Naganap ang insidente alas- 3:45 ng madaling araw matapos na magreklamo si Shayne Vito Pablico, 40 , roving manager at taga Don Vicente Avenue, Barangay Cupang, Antipolo City.
Inireklamo ng.mga opisyal ng Barangay 601 sa V. Mapa Police Community Precinct ang pagwawala ng suspek sa lugar, kaya kaagad na rumesponde ang mga pulis.
Nakita nila sa hallway ng ikalawang palapag ang suspek na may hawak na baril ,sumisigaw at nagsasalita nang hindi maganda.
Nagpakilala ang mga pulis at saka inaresto ang suspek at dinala sa presinto.
Samantala, sinampahan na ng kasong pagpalabag sa Art. 155 (Alarm and Scandal) at RA 10591(Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations Thereof) ang suspek sa Manila Prosecutors Office.