Latest News

NAGPAPAKILALANG TAGA-REBISCO, NANAPAK NG DEALER SA OKADA??

By: Jerry S. Tan

Maraming manunugal at empleyado ng Okada ang na-shock at nag-panic sa pagwawala ng isang baccarat player na nanuntok pa diumano ng dealer nitong kamakailan lamang.

Ayon sa mga nakasaksi, walang security na rumesponde kaagad kaya nagawang masaktan ng nasabing player ang kaawa-awang dealer na walang nagawa dahil bawal sa kanila ang pumatol sa mga player, kahit pa gaano kaabusado ang mga ito.


Ang nasabing player, ayon sa kanila, ay madalas nilang nakikitang nagwawala sa nasabing casino at nang-aaway ng mga dealer kapag natatalo. Nariyang murahin, duruin, ambaan ng bote at nito ngang pinakahuli ay nanakit na talaga.

Masama ang loob ng mga empleyado sa nangyaring pananakit dahil dumugo daw ang bunganga ng sinapak na dealer.

Binatikos din nila ang mga security personnel na anila ay lagi na lang delayed reaction kapag may nagwawalang player. Napakabagal umano nila umaksyon at mistulang walang silbi dahil ni di nila mabigyan ng proteksyon ang mga hina-harass ng lasenggong high-roller. Ang trabaho nila ay silang protektahan ang mga empleyado gaya ng dealer, laban sa mga salbaheng kostumer.


Ang malala pa, lagi daw nakainom ‘yung nanuntok na player kapag nagsusugal ng baccarat sa Okada at hanggang sa magwala ito, kaya maraming players ang lumalayo kapag nakikita na ito dahil alam nilang gulo ang dala nito.

Matagal na daw itong gawi ng nasabing player na minsan daw ay nag-aamba pa na mambabato ng kung anong mahawakan, kaya nagtataka sila kung bakit hindi pa rin ito bina-ban at ngayong nakapanakit na ito ay tila wala pa din daw kongkretong aksyon ang Okada.


Diumano, sobrang lakas daw ng player dahil ‘high roller’ ito o maraming perang pantaya. VIP player daw ito pero dahil nga kadalasan ay lasing, lumalabas ito ng VIP area at humahalo sa mga ordinaryong player na nagsisipag-alisan kapag nakikita na siya. Nagpapakilala din daw ito bilang isang ‘mataas na opisyal sa Rebisco’.

Talaga din daw proud ito sa pagiging lasenggo dahil sa katunayan, ang profile pic nito sa Facebook ay bote ng beer.


Alam kaya ng mga may-ari ng Rebisco na may nagpapakilalang opisyal nila na ganito ang gawain? Sugarol na, laseng-GO pa, salbahe at iskandaloso pa. Kahihiyan ang dulot nito hindi lamang sa sarili niya kundi maging sa kumpanya na ipinangangalandakan niyang opisyal daw siya.

Sana ay gawan ng aksyon ng Rebisco ang taong ito, kung totoo man ang sinasabi nito na opisyal siya ng nasabing kumpanya. Naniniwala kami na hindi ito kunsintido ng mga may-ari at opisyal ng kumpanya na pawang Chinese-Filipino dahil sa kultura ng Chinese, hindi maganda sa reputasyon ng isang negosyante ang pagiging laman ng casino at pagkalulong sa sugal.

Ang nasabing abusadong player ay may initials na C.G. Sabi ng mga nakakakita sa palagian niyang pagwawala, isa daw itong malaking G…GO!



Bukas ang pitak na ito para sa panig ng Rebisco.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like