NAGPANGGAP NA MAY BI CONNECTION PARA MANLOKO NG MALAYSIAN, ARESTADO SA NBI

By: Baby Cuevas

Matapos na makapanloko diumano ng isang Malaysian national sa pamamagitan ng pagpapanggap na may koneksyon sa Bureau of Immigration (BI), isang babae ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NC).

Kinilala ang suspek na si Rey Ann Lipata Balane,habang binibilang ang P70,588 na muli nitong hiningi sa biktima noong Marso 19, 2024 sa loob ng isang condominium sa Pasay City.

Diumano, nagpapanggap ito na may koneksiyon sa BI paera hingan ng pera ang biktimang Malaysian national kapalit ng pangako na tutulong sa pag-proseso ng voluntary deportation at pag-alis ng blacklist record nito sa bansa.


Napag-alaman na nakahingi ang suspek ng P110,000 sa complainant at sa kabila niyan ay nahingi pa ito ng dagdag na halagang P70,588 para maalis umano ang kanyang blacklist record sa BI.

Nagreklamo sa NBI ang biktima at ikinasa ng BI ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong estafa sa Pasay City Prosecutor’s Office.


Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read