Latest News

NAGPAKALAT NG BOMB THREAT SA SIGNAL VILLAGE, TINUTUNTON NA NG PNP

KASALUKUYAN nang inaalam at tinutunton ng Philippine National Police (PNP) ang netizen na nasa likod ng bomb scare sa social media na magpapasabog ng bomba sa isang paaralan sa Signal Village, Taguig City.

Inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na may order na sa PNP Anti-Cybercrime Group na kilalanin at hanapin ang nag-post sa social media na papatayin lahat ang mag aaral sa nasabing paaralan.

Una rito noong, Lunes, sa kasagsagan ng flag raising ceremony habang ito ay naka Facebook live ay may nag-post ng comment na may pangalan na Sofia Smith na papasabugin umano ang paaralan at papatayin ang mga estudyante doon katulad ng nangyari sa bansang Thailand.


Sa screenshot ng Taguig City Facebook Live, nakita ang mensahe mula sa isang nagngangalang ‘Sofia Smith’ na nagsasabing magpapasabog siya ng bomba at papatayin ang lahat ng estudyante sa Signal Village National High School.

Naging sanhi upang ma-alarma ang mga guro at mag aaral , dahilan upang suspindihin ang klase kasabay ng deployment ng Police Special Weapons and Tactics team na nag fanning para hanapin ang bomba at i-secure ang paaralan .

Ayon sa report ni Taguig Chief of Police PCol. Robert Baesa, ang PCP 6, Special Weapons and Tactics (SWAT) , Explosive Ordnance Division (EOD)/K9 Unit negative ang ginawang paghahanap sa sinasabing bomba subalit patuloy ang isinasagawang pagbabantay sa lahat ng mga paaralan sa Taguig City kasunod nang nangyaring bomb scare. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read