Latest News

NAGNAKAW SA MOTORSIKLO NG PULIS, TIKLO

By: Carl Angelo

Arestado ang dalawang tao, isang nagnakaw at isang pinagpasasahan, ng motorsiklong pag-aari ng Isang miyembro ng Philippine National Police (PNP), sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa ng hapon sa San Jose St.Sampaloc,Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station 4,ang mga suspek na sina Ezekiel Macay,alyas Kiel,miyembro ng Bahala na Gang at taga-Brgy 421 Sampaloc; Tristan Agbayani, 39, financial consultant at stay-in sa tanggapan ng Megacash Lending Company na.matatagpuan sa 1127 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila ; at Marvin Isla.

Sa reklamo ni PSSG Herman John Matias,37, residente ng 916-D URC Compound Blumentritt St., Sampaloc, Manila, nadiskubre niya na nawawala ang kanyang kulay itim na motorsiklo Yamaha Sniper alas 10 ng umaga matapos na iparada sa loob ng JAU’s Carwash and Accessories shop na matatagpuan sa1031 Vicente Cruz St., Brgy., 475, Zone 47, Sampaloc, Maynila.


Kaagad na nagreklamo sa España-Blumentritt PCP ang biktima at nang tingnan ang CCTV ay nakitang tangay ni Macay ang motorsiklo at ipinarada sa San Jose St. Sampaloc.

Kaagad na nagsagawa ng follow- up operation ang mga pulis at nakita si Macay na nakaupo sa loob ng isang pampasaherong jeep na naging daan para siya maaresto at itinuro nito na Ibinigay niya kay Agbayani ang motorsiklo at dito na nga na-cover ang motorsiklo. Naaresto rin ang kasabwat ni Macay na si Isla.


Samantala, sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10883 o Anti Carnapping law sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek.


Tags: Manila Police District-Police Station 4

You May Also Like

Most Read