Nasawi ang isang 37-anyos na lalaki matapos na maglaslas sa kanang braso,kahapon ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.sa Maynila.
Ayon kay PEMS John Chatles Duran,OIC ng Manila Police District-homicide section nakilala ang biktima na si Jeffrey Daro,walang permanenteng tirahan sa Maynila.
Naganap umano ang insidente alas-10 ng gabi nang makita ang biktima na nagwawala at may sugat ang kanang braso.
“Pabayaan na ninyo ako,pagod na pagod na ako gusto ko nang mamatay,” ayon sa biktima habang hinihikayat ng mga pulis na dalhin sa pagamutan.
Napilitan ang mga pulis na pwersahang dalin ito sa ospital dahil sa seryoso ang ginawa nitong sugat sa braso.
Gayunman,alas-6:10 ng umaga nang ideklarang patay ang biktima ng mga doktor dahil sa acute fatal arrhythmia. (Philip Reyes)