Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation I-Anti-Human Trafficking Division (NBI-ATHRAD), ang isang lalaki dahil sa pagbubugaw sa sarili nitong anak sa San Fernando, Sibuyan Island, Romblon.
Napag-alaman na nakatanggap umano ng impormasyon ang National Crime Agency (NCA) sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) kaugnay sa isang indibiduwal na nagbubugaw sa kanyang menor de edad na anak sa online.
Kaagad namang nagsagawa ng serye ng surveillance operation kaugnay sa isang indibiduwal na ibinubugaw ang kanyang menor de edad na anak online.
Nang makupirma ay nag-apply ang NBI ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) sa Makati Regional Trial Court.
Noong Disyembre 12,2022 ,kasama ng NBI ang PNP Romblon, DOJ IACAT at Social Worker of Romblon LGU, nang isagawa ang entrapment operatons na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek, na itinago sa pangalang .Francisco.
Sa isinagawang operasyon, tatlong menor de edad ang nasagip,kasama ang anak ng suspek na pawang itinurn-over sa Municipal Social Welfare Development para sa kustodiya ng menor de edad.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 11862, R.A. 11930, at R.A. 7610,ang suspek. (Jaymel Manuel)