Kilala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga taong nagpapadala ng pagbabanta sa buhay ng pamilya ng pinaslang na broadcaster Percy “Percival Mabasa” Lapid.
“Nagkaroon na ng tracing doon sa ibang mga threats ang NBI ,”ayon kay journalist Roy Mabasa at kapatid ni Lapid.
“Sinabihan na tayo kung sino-sino ‘yung mga behind these threats”giit pa ni Mabasa.
Gayunman,tumanggi si Roy na kilalanin ang mga taong nagbabanta sa kanilang pamilya.
“I’ll just let the NBI tell you in the future kung sino-sino ‘yung mga ;yun,” dagdag ni Roy.
Sa ngayon, kumonti na umano ang mga banta partikular na yung tumatawag ay nawala na.
Nabatid na si Roy ay dumalo sa unang araw ng preliminary investigation kaugnay sa pagpaslang sa kanyang kapatid.














