ISANG lalaki ang nagtamo ng minor lacerations sa kaliwang punong braso at 2nd degree burns sa dibdib at mukha, sa naganap na sunog dahil sa nag- overheat na electric fan sa kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Tondo,Maynila.
Kinilala ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktima na si Alvin Regalado, 42, ng 400 E Capulong St., sa Tondo.
Ayon sa BFP, alas- 3:23 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa tatlong palapag na tahanan ni Regalado na umabot sa unang alarm at naapula alas-3:58 ng madaling araw.
Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na isang nag-overheat na electric fan ang posibleng pinagmulan ng sunog.
Sinabi ng BFP na aabot lamang sa P22,500 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa naganap na sunog.














