Nag-bomb joke sa loob ng Quiapo Chruch, arestado

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) ang isang 42-anyos na lalaki na nagbiro sa loob ng Simbahan ng Quiapo, kaugnay sa pagkakaroon ng bomba, kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila .

Nasa kustodiya ngayon ng Plaza Miranda-PCP ang suspek na si Dennis Garcia ng No. 32 Salazar St., Barangay Talipapa, Quezon City.


Naganap umano ang pagbibiro ng suspek alas- 5:30 ng umaga kung saan kaagad itong inaresto ng dalawang pulis ng Plaza Miranda- PCP dahil sa paglabag sa PD 1727 (declaring as unlawful the malicious dissemination of false information or the wilfull making of any threat concerning bombs, explosives or any similar device or means of destruction).

Napag-alaman na ang pagbibiro ng suspek ay nasaksihan ng security guard na si Michael Tamayo, 38, ng 1886 B Oroqueta S,. Sta Cruz Maynila.

Nang mga oras na iyon ay nasa 1,300 deboto umano ang nasa loob ng Simbahan at nakikinig ng misa.


Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek.

Alinsunod sa PD 1727, maaring makulong ng hanggang limang taon o kaya ay magbayad ng multang P40,000 o kaya ay parehas na parusa ang sinumang lalabag sa naturang batas.


Tags: Manila Police District - Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP)

You May Also Like