HINDI umano tinanggap ni Nadine Lustre ang isang serye na makakasama ang Korean actor na si Sang Heon Lee.
First choice pa naman daw ang winning actress.
Ang dahilan kung bakit tumanggi ang aktres: hindi umano agree si Nadine sa talent fee.
Ang offer umano sa actress na gumawa ng Korean movie with Korean actor Sang Heon Lee ay napapanood sa Netflix series “XO, Kitty.”
Kamakailan naman ay nag-post ang Korean actor sa kanyang IG na kasama si Julia Barretto that they were filming a “secret project.”
Ni-repost ito ni Julia sa kanyang Instagram page.
Ire-release umano ang nasabing project sa Viu streaming platform.
Kaya may chika tuloy na ang role na ginagampanan ni Julia ay ang unang i-offer kay Nadine.