Ang classy ni Nadine Lustre sa pag-eendorso ng isang sports wear.
Naaliw ang netizens na medyo umakyat pa siya sa puno ng niyog para ma-emphasize ang kanyang mga paa.
Say nga ng kanyang followers: ” Ibang klase rin kung umariba si The President Nadine. Panalo! ”
Ang nakalagay kasi sa caption ng post ng award-winning actress: “Nadine vomero in the tropics.”
Comment ng netizens: “Bakit pag ikaw hindi baduy?”
“Bongga ka talaga mag flex ng endorsement mo teh!”
“Ikaw na ang Reyna ng Instagram” (Naku di kaya marami ang mag-react?)
“Pang malakasan talaga mag endorse si Nadine”
“Nike gurl!’