Latest News

NADINE, INI-SCRUB ANG SARILI PARA PUMUTI

By: Beth Gelena

SA One Down Instagram account ay nagsalita si Nadine Lustre tungkol sa mental health ng Filipino beauty standards.

Pasakalye ng one.down media: “Nadine Lustre has grown up in the limelight, starting her career as a child star at just 8 years old! We went deep into her childhood shaped her insecurities, mental health, and confidence in her episode of Sala Talks.”


Kuwento ng winning actress na kapag nagpupunta siya sa mga audition, halos ang nakikita niya ay mga mestiza.

Doon daw nagsimula ang insecurities niya sa sarili. Nawalan na siya ng confidence because of her color. Ginawa raw niya ang lahat para kahit papano ay pumuti.

Naroong mag-scrub siya ng calamansi.


Nababasa nga raw niya ang komento na “you’re too dark.”
“But sa teen years ko naging mahilig na ako sa beach. It makes me Nadine. And I proud to be a Filipino.”
Naikuwento rin niya ang pagkakaroon ng mental health na lagi niyang pinagdadasal sa Itaas.
Say ng netizens: “There’s nothing wrong to pray to God everytime your brain gets hey wired but at the same time pls seek help from professionals kaso not all can afford it kaya pinagpapa sa Dios nalang nila kapag may panic attack or anxiety sila. Yung mayayaman affort mag retreat ek ek. Sana maging affordable para sa lahat ang mental wellness”
“One down diba fil-am ang nagpapalakad nyan tapos laging sawsaw sa issue ng Pinas at mga Pilipino kahit nasa america naman sila.”
“Ngayon ko lang narinig yung Filipinos pray for their Mental Health to go away. Nagdadasal ang mga Pilipino pag may pagsubok pero hindi para maalis ang mental health nila.”


Tags: Nadine Lustre

You May Also Like