Matapos mabitin sa pagma-masturbate sa pampublikong lugar nang sitahin ng mga nagdaraang barangay tanod, nagwala ang isang dayuhan at sinaksak ng screwdriver ang dalawang nasabing tanod na nasugatan,kahapon ng umaga sa Arellano Avenue corner Zapanta Street, Malate, Maynila.
Kinilala ni PCpl Samuel Cayabyab ng Manila Police District -Station 9 ang mga nasugatang barangay tanod na sina Jerry Glory at Eizaldy Molin, ng Barangay 754, Zone, 81, Malate, Maynila. Nagtamo ang mga ito ng minor injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Bukod pa umano ito sa ginawa ng dayuhan na pananakal at panunutok ng screw driver sa complainant na si Jamayca Pertiz y Arevalo, 24 ,residente ng 1156 Villa San Antonio, Singalong Street, Malate.
Tumanggi naman ang MPD-PS 9 na pangalanan ang suspek at kilalanin ang lahi nito dahil ang MPD-General Assignment and Investigation Section(GAIS) daw ang may hurisdiksiyon sa kaso ng dayuhan.
Sa imbestigasyon, nabatid na alas-10:30 ng umaga nang mamataan ang suspek na nakaupo sa e-bike nang walang saplot at walang pakialam na nagma-masturbate sa harap ng mga dumaraang tao.
Sinita umano ng mga barangay tanod ang suspek para itigil ang kanyang ginagawa pero tumakbo ito at nang malapit nang abutan ay nanghalihaw ng hawak niyang screwdrive, dahilan para masugatan ang mga biktima.
Naaresto lamang ang suspek nang dumating ang mga nagrespondeng pulis mula sa Arellano-PCP.
Nakatakdang sampahan ng kasong alarm and scandal , physical injury at grave threat ang dayuhan sa Manila Prosecutor’s Office.