Ito ang ginawang pagtiyak kahapon ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ukol sa naaarestong Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, sa kabila ng pagsulat at paghingi nito ng tawad kay SILG Remulla at paga-alibi na may mental issue ang banyaga.
Nahaharap ang Russian vlogger sa paglilitis kaugnay ng three counts of unjust vexation, na may kaakibat na sentensyang tatlong buwan hanggang isang taon na pagkakakulong.
“We will service his sentence, sinigurado ko po ‘yun,” anang kalihim.
Magugunitang inaresto si Zdorovetskiy noong April 3, 2025, at kasalukuyang naka-detine pa rin dahil sa pangha-harass sa ilang Pilipino sa harapan ng madla habang kinukunan ng video para sa kanyang vlogs.
Ayon kay Remulla, hindi option ang pagpapatapon sa suspek dahil ayaw rin sa kanya ng Russia at maging ng United States kung saan si Zdorovetskiy ay green card holder ngunit ayaw din siyang tanggapin.
Sakaling mapatunayang guilty ay maaaring mapatawan ito ng kaparusahan at makulong ng 18 buwan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility.














