Naagnas na bangkay, lumutang sa Pasig River

Humihiwalay na ang balat sa katawan nang lumutang sa Pasig river ang bangkay ng isang lalaki, kamakalawa ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Inilarawan ng Manila Police District -homicide section ang biktima na nasa edad 36-45,may taas 5’6-5’8, nakasuot ng kulay asul na T-shirt at short at may tattoo sa dibdib na ‘Shane’s.’

Ayon kay PSSg Zoilo Nazario, imbestigador ng MPD, alas- 9:30 ng umaga nang itawag sa kanila ang lumutang na bangkay sa nabanggit na lugar.


Ayon kay John Cesar Magdayao, security guard ng Manila Plastic Plant, nagsasagawa siya ng routine check nang mapagawi sa likurang bahagi ng planta at dito niya namataan ang bangkay na nakalutang.

Kaagad na ipinaalam ng guwardiya sa awtoridad ang nakitang bangkay.

Dinala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read