Patay na nang madiskubre ng kanyang nakatatandang kapatid ang isang 44-anyos na lalaking jobless at diumano’y dumaranas ng depresyon, sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Dennis Sergantes, ng 256 San Bartolome Street corner Lallana Extension, Brgy 104 Tondo, Maynila pero di na ito umabot nang buhay.
Ayon sa Manila Police District -Police Station 1,nadiskubre ng kanyang ate ang pagpapakamatay ng kapatid alas-10:20 ng umaga nang pumasok sa kanilang bahay. Huling nakitang buhay ang biktima alas-9 ng umaga.
Ayon sa pulisya, na-diagnose umano na dumaranas ang biktima ng “major depression” .noong Abril lamang.