Latest News

MUTUAL DEFENSE TREATY, 72 TAON NA

By: Victor Baldemor Ruiz

GINUGUNITA ngayon ng pamahalaan ng Pilipinas partikular ang Armed Forces of the Philippine at ng United States ang isa 72 taon ng kontrobersyal na Mutual Defense Treaty.

Ayon sa mensaheng ipinarating ni U.S Ambassador to Philippine MaryKay Carlson mananatiling matatag ang alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Amerika.

“On the 72nd anniversary of the signing of the Mutual Defense Treaty, the United States stands firm in our ironclad commitment to our alliance and partnership with the Philippines as we face new and continuing challenges, “ ayon sa mensaheng ibinahagi ni Ambassador Carlson kahapon.

Ayon sa US envoy ang August 30, 1951 na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US ay nagsisilbing pundasyon ng umiiral na alyansa.” Our security forces continue to strengthen their capabilities and work together.”

Ayon naman kay AFP Spokesman Col Medel Aguilar ang MDT ay isa sa mga haligi ng ating national security at anuman ang nakapaloob dito ay patuloy na ipatutupad.

“The MDT is one of the pillars of our national security. The mechanisms under it shall continue to be implemented to further enhance the capability of the Armed Forces of the Philippines to perform its constitutional duty of protecting our national sovereignty and territorial integrity,” pahayag pa ni ni Col Aguilar.

Ang Treaty of Mutual Defense sa pagitan ng US at Pilipinas ay nilagdaan nina CARLOS P. ROMULO, JOAQUIN M. ELIZALDE, VICENTE J. FRANCISCO at DIOSDADO MACAPAGAL mga kinatawan ng Pilipinassa panahon ni Pangulong Elpidio Quirino sa Washington, D.C, nuong 30 August 1951″.

Ang nasabing kasunduan ay may walong artikulo na nagsasabing na susuportahan ng dalawang bansa ang bawat isa sakali mang ang Pilipinas o ang Amerika ay salakayin ng external party.

Tags:

You May Also Like

Most Read