MUSLIM, NAGWALA SA 7-11, PULIS-MAYNILA SUGATAN

By: Baby Cuevas

Sugatan ang isang pulis-Maynila nang tamaan ng tubo sa noo, matapos na magwala ang isang Muslim sa loob ng 7-11 convenience store kahapon ng madaling araw sa Quintin Paredes Street sa Binondo, Maynila.

Dinakip at naka-detine ngayon matapos na i-turn over sa MPD-PS11 ang suspek na si Moktar Satal y Rasjid ,alyas Marvin Yucada Baluyo, 35 , tubong Zamboanga Del Sur at taga- Barangay 61, Tondo Maynila.


Ayon kay PCapt.Francisco Salazar ng MPD-PS11, naganap ang insidente alas -2:20 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na nilapitan ni Howard Canadalla y Cabungcag, 22, empleyado ng 7-11, ang nagpapatrulyang sina Pat. Rommel Garcia, Pa. John Robert Taopo at PCpl. Jefferson Lising ng Gandara Police Community Precinct (PCP ) at humingi ng tulong kaugnay sa pagwawala ng suspek habang hawak ang isang tubo at naghahamon ng away sa mga customer sa loob ng convenience store.

Agad na nirespondehan ng mga pulis ang nasabing lugar at inabot ang nagsisisigaw na suspek habang hawak ang tubo at iwinawasiwas ito.


Dito na tinangkang arestuhin ng mga pulis ang suspek pero habang papalapit sa suspek ay nagawa nitong mahataw ng tubo si Pat. Rommel Garcia na tinamaan sa noo.

Sa kabila nang pumutok ang noon ni Garcia ay nagawa nitong magapi, pati ng mga tumulong na pulis, ang suspek at binitbit ito sa PS 11.


Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code o โ€œDirect Assaultโ€ at Article 155 o Alarm and Scandal ang suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: MPD-PS11

You May Also Like

Most Read