Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 10 ang isang 39-anyos na Muslim sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Quirino Avenue at P.edro Gil., Barangay 825 Zone 89, Paco Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD-PS10 ang suspek na si Abdul Satar DalpakinY Ajahum, alyas Alex at residente ng Malate, Maynila.
Ala- 1:25 ng madaling araw nang ikasa ng mga pulis ang buy-bust operation laban sa suspek sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagtutulak nito ng shabu.
Nakakumpiska ang mga pulis ng dalawang sachet ng shabu na tumitimbang ng 1.22 gramo.
Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.














