Muslim Community tanggap ang pagtatalaga kay Amenah Pangandaman bilang bagong chairamn at CEO ng Islamic Bank

By Tony Gildo

MALUGOD na tinanggap at pinuri ni Sulu Governor Sakur Tan at mga mamamayan ng Sulu ang pagtatalaga kay Amenah F. Pangandaman bilang Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AAIIBP).


Ayon kay Tan, ang pagtatalagang ito kay Pangandaman ay maituturing na isang tagumpay para sa ating mga kapatid na Muslim lalo ito ang isa premier Islamic banking institution sa buong bansa na tunay na maipagmamalaki ng bawat isang Filipinong Muslim.

Iginiit pa ni Tan na hindi matatawaran ang pagiging foundational expertise ni Pangandaman bilang Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maituturing sa kanyang angkin kaalaman at katalininuhan at husay pagdating sa usapin ng pag-iingat sa pananalapi na higit na makatutulong upang higit na mabigyan ng proteksyon at mapalago ang pananalapi ng ating mga kapatid na Muslim.

Umaasa ang ating mga kapatid na Muslim sa tagumpay at mabuting serbisyong maihahatid sa kanila ni Pangandaman para sa tunay na progreso ng bansa.


Nagpapasalamat naman si Pangandaman sa tiwala ipinagkaloob sa kanya ng mga kapatid niyang Muslim.

Tiniyak ni Pangandaman na gagawin niya ang lahat para pagsilibihan ang kanyang mga kapatid na Muslim at hindi bibiguin sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.


Tags: Amenah F. Pangandaman

You May Also Like

Most Read

Latest News