Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang Muslim.matapos na ireklamo ng robbery-extortion ,estafa at grave threat noong Nobyembre 14 sa Makati City.
Nakadetine sa NBI detention cell ang suspek na si Kumat Bhagwandas Thadani,alyas Solo.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos nitong mag-demand diumano ng halagang P200,000 hanggang P300,000 sa biktima bilang kabayaran sa danyos sa kanyang hiniram na sasakyan na nasagi.
Nabatid na nag renta ng sasakyan ang complainant sa Angel Rent-a-Car mula Marso 25 hanggang Abril 3, 2023.
Gayunman,bago matapos ang kanilang kasunduan ay nasagi ng bahagyan ng isang motorsiklo ang nirentahan na sasakyan na nagresulta ng maliit na dent at mahabang scratch.
Ipinaalam ng complainant kay Solo ang nangyari at pagbalik ng sasakyan nagkasundo sila na ipare-repair ang sasakyan at hindi na gagamitin ang insurance kundi babayaran na lamang si Solo ng P35,000.
Sa kabila na nakapagbigay na ang biktima ng kabuuang 43,000 kay Solo , hindi pa rin umano ito tumitigil sa pagbabanta na ipapaaresto,kakasuhan ng carnapping at ipakukulong ang complainant kung hindi siya magbibigay ng P200,000.hanggang P300,000.
Sanhi nito, humingi ng tulong sa NBI, ang complainant at ikinasa ang entrapment operation sa isang lugar sa Makati.
Kaagad na dinamba si Solo ng mga ahente ng NBI nang tanggapin ang marked money.
Sinampahan ng kaso si Solo sa Makati Prosecutors Office.