MURDER CASE NG 17 PNP, SISIMULAN NG DOJ SA FEB. 22

NAKATAKDANG simulan na sa Pebrero 22 ng Department of Justice (DOJ) panel ang preliminary investigation hinggil sa kasong murder na isinampa laban sa 17 miyembro ng Philippine National Police(PNP) ng pamilya ng aktibistang sina Ariel Evangelista at kanyang misis na si Ana Mariz sa tinaguriang “Bloody Sunday” operations sa Southern Tagalog noong Marso 7,2021.

Nalaman na.inisyuhan na ng subpoena ang 17 pulis para dumalo sa preliminary imbestigasyon sa ganap na alas 2 ng hapon ng Pebrero 22 at sa Marso 1 sa National Prosecution Service, DOJ sa.Padre Faura Street, Ermita, Maynila.

Kabilang sa mga repondent sina PLt.Col. Joseph Nandu Jr., PLt. Arjay Santos, PMSg. Rafael Roque, PMSg. Mark Tolentino, PSSg. Elvern Cacatian, PSSg. Rodel Sillacay, PSSg. Edgar Brinas, PCpl. Aldrin Gabrillo, PCpl. Allen Lugue, Pat. Julio Bautista, Pat. Ray Boom Boom Dalingay, Pat. Grizzly Paras, Pat. Rogelio Ninolla, Pat. Ruel Tenoso, Pat. Rich John Melniel Tumacder, Pat. Renzo Santos, at Pat. Mark Lester Padul, pawang.miyembro ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Region IV-A, Southern Tagalog region.


Nabatid na ang reklamo laban sa mga pulis ay isinampa sa DOJ ng National Bureau of Investigation-Death Investigation Division (NBI-DIV) noong Enero 14, 2022, alinsunod sa Administrative Order 35 (AO 35) Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons.

Ayon sa ulat, ang mag-asawa ay pinatay sa Nasugbu, Batangas habang isinisilbi ng mga pulis ang search warrant laban sa kanila.

Bukod sa mag-asawang Evangelista,pito pang ibang aktibista ang nasawi habang anim ang naaresto sa joint military-police operations.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read