Multilateral talks ni PPBM at French President Macron, ginawa sa phone

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron na palalimin pa ang relasyon ng dalawang bansa kaugnay sa low-carbon energy, food security, defense at. human exchanges.

Nabatid na ang ‘bilateral talks’ ng dalawang lider ay ginawa sa pag-uusap sa telepono noong Biyernes,Setyembre 16,kasunod ng paggunita sa ika-75th taon ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa .


Sa pamamagitan ni French Ambassador to Manila Michele Boccoz, nagpahayag ang France ng ‘ commitment’ para mai-preserba ang rule of law, freedom of navigation and overflight at iba pang multilateral orders sa Pilipinas kasama na ang Indo-Pacific region sa pamamagitan ng pagtulong para mapanatili ang kanilang soberenya.

Nabatid na maging si Marcos ay nagbigay ng katulad na “commitment” kay Macron na nanawagan rin na i-respeto ang international maritime law.

Sa kanilang pag-uusap , ipinrisinta ni Macron ang International Blue Carbon Coalition na inilunsad sa One Ocean Summit sa Brest noong Pebrero 2022, para ma-proteksiyunan ang coastal ecosystems sa lanilqng papel sa carbon storage at absorption.


Hinikayat rin ni Macron ang Pilipinas na lumahok sa High Ambition Coalition for Nature and People, na may layuning maproteksiyunan ang 30% ng marine at terrestrial territories sa 2030.

“The Head of State referred to the actions undertaken within the framework of the FARM initiative to fight against food insecurity, aggravated by Russia’s aggression against Ukraine,” ayon sa French embassy na tumutukoy kay Macron.


Pinuri naman ni Marcos si Macron dahil sa pagpabor nito sa kapayapaan habang binati naman ni Macron si Marcos sa pagkapanalo nito sa eleksiyon. (Jaymel Manuel)


Tags: Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron

You May Also Like

Most Read