Latest News

MULTI-MILLION PUSLIT NA YOSI, HULI SA CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG nasa P42 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa magkakahiwalay na police operation na nagresulta sa pagkaka- dakip sa sampung katao .

Sa report na ibinahagi ni CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III , apat na law enforcement operations ang kanilang inilunsad matapos na nag-positibo ang kanilang mga nakalap na intelligence information kaugnay sa anti-smuggling at pagsugpo sa mga pekeng produkto.

Nasa humigit-kumulang P5.4 milyong halaga ng sigarilyong may tatak na RGD at Yan ang ang nakumpiska sa Barangay Bangkal sa bayan ng Dinalupihan matapos na masabat ang isang trak na may kargang mga sigarilyo.


Nasa P2.1 milyong halaga ng smuggled na sigarilyong Walton na lulan ng nasabat na 10-wheeler truck ang nakumpiska naman sa Barangay Malandag, Malungon, Sarangani Province at tatlong sakay nito ang dinakip sa operasyon.

Kinabukasan, sinalakay ng mga operatiba ng CIDG, kasama ang mga kinatawan ng Philip Morris International Inc., ang isang bodega sa lungsod ng Maynila na pinag-iimbakan ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P15.2 milyon.


Sa parehong araw, may kabuuang 478 master case ng peke at smuggled cigarette products ang nasamsam sa Digos City, Davao del Sur. Ayon kay Gen. Torre, anim na tao ang inaresto habang dalawang van ang nakumpiska sa operasyon.


Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG)

You May Also Like

Most Read