Latest News

MULTI MILLION AGRI PRODUCT NASABAT NG BOC

By: Victor Baldemor Ruiz

MULTI MILLION halaga ng agricultural product na tinangkang ipuslit sa bansa lulan ng 15 container vans ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Subic.

Sa ulat na isinumite kay BOC commissioner Bienvenido Rubio ay napigilan ang pagpasok at paglabas ng mga misdeclared agricultural products sa Port of Subic.

Bunsod ito ng natanggap na derogatory information ng ahensya hinggil sa misdeclared shipment kaya nag isyu ang naturang pantalan ng walong Pre-Lodgment Control Order at dalawang Alert Order mula sa kabuuang labinlimang 40-footer container van shipment na sinasabing naglalaman ng frozen lobster balls at frozen. Surimi crab.


Sa isinagawang physical examination sa nasabing shipment ay tumambad sa kanila ang sari-saring sariwang gulay kabilang na ang patatas , karot at broccoli.

Samantala, ang mga nakumpiska na misdeclared agricultural products ay sasailalim sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 in relation to Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act at DA Administrative order 09 Series of 2010, at DA A.O. No. 18 Series of 2000.

Nakatakda namang i turnover ng BOC ang mahahalagfang impormasyon sa Bureau Action Teams Against Smuggling para sa gagawing case build up upang sampahan ng kaukulang kaso ang nasa likod ng naturang smuggling shipment .

Pinuri naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kasipagan ng mga tauhan ng Port of Subic sa pangangalaga sa border ng bansa laban sa mga potentially hazardous agricultural products.


Tags: BOC Commissioner Bienvenido Rubio

You May Also Like

Most Read