Latest News

MT. KANLAON, PUMUTOK

By: Victor Baldemor Ruiz

PUMUTOK kahapon ng umaga ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island at nagbuga ng usok, abo at bato, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense.

“Mt Kanlaon spewed ash plume 4,000 meters high and pyroclastic density current moving south towards Negros Occidental,” ayon sa inisyal na report habang nananatiling nakataas sa alert level 3 ang bulkan

Ayon kay Director Teresito Bacolcol, chief of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagsimula ang volcanicid eruption alas -5:51 kahapon ng umaga.


Inihayag naman ni OCD Task Force Kanlaon chief Raul Fernandez, natapos ang pagputok nito bandang alas 6:47 ng umaga.

Napag-alaman na may 8,000 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 22 evacuation centers hangang kahapon ng umaga.


Apektado ng binugang abo ang isang barangay sa La Castellana, Negros Occidental, habang apat na barangay naman sa La Carlota City, Negros Occidental at isang barangay sa Bago City, Negros Occidental.

Posible umanong itaas ang alert level kung kakikitaan ng paglala sa kondisyon ng bulkan.


“Right now, we are maintaining Alert Level 3…Wala siyang lava na linalabas. Ang linalabas niya ay abo at steam at pyroclastic density current – mga magkakahalong abo, bato at gases na bumababa sa dalisdis ng bulkan,” ayon sa Phivolcs.

Tags: Bulkang Kanlaon

You May Also Like

Most Read