NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na possible umanong muling pumutok ang Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa patuloy na nakikitang abnormalidad nito.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala sila ng mas maraming seismic activity nitong nakalipas na magdamag mula alas 5:00 kamakalawa ng umaga.
Sinasabing nakapagtala ang Bulusan Volcano network ng 45 volcanic earthquakes, kabilang ang dalawang two low-frequency volcanic tremors.
“Most of these were weak and shallow events, but may indicate that a phreatic eruption could possibly occur within the next few hours, pahayag pa ng ahensya.
Nabatid na nanatiling nasa Alert Level 1 status Mt Bulusan na nangangahulugan na sa kasalukuyang ay patuloy ang nararanasang abnormalidad sa bulkan kasunod ng naganap na phreatic explosion nuong nakalipas na Linggo.
Bunsod nito, pinaalalahanan ni Phivolcs Director Renato Solidum ang mga local government units sa paligid ng bulkan na bantayan ang kanilang mga residente sa pagpasok sa 4 kilometer radius or permanent danger zone.
Nanatili umanong ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa itinakdang 4 kilometer radius habang inalerto naman ang mga residente na nasa two-kilometer radius, or Extended Danger Zone bunsod ng malaking posibilidad na muling magkaroon ng phreatic eruptions. (VICTOR BALDEMOR)














