By: JANTZEN ALVIN
IBINAWAL ng Manila Regional Trial Court sa Department of Justice (DOJ) sa at kampo ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves ang pagpapalabas ng anumang pahayag kaugnay sa Degamo case.
Napag-alaman kay DOJ spokesperson Atty Mico Clavano na nag- isyu ang Manila RTC ng ‘gag order’ sa kaso na ayon kay Clavano, ay tama lamangdajo; nakatakda nang magprisinta ng ebidensiya sa korte.
“Hindi na tayo dapat magsasalita sa social media, sa mainstream media, kung saan saan pa. Ang labanan talaga dapat ay on the legal side of thing which is in court,” pahayag ni Clavano.
“The gag order was issued by our judge here in the Philippines, so we are no longer allowed to mention or discuss matters that go into the merits of the case. We trust and respect that decision because we know that the proper process is to go through the court immediately,” dagdag pa nito.
Si Teves ay nahaharap sa kasong murder cases dahil sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso, 2023.
Ayon kay Clavano, patuloy ang masusing pagmo-monitor ng gobyerno kay Teves na nasa Timor-Leste, matapos na tanggalin ito mula sa’ house arrest’ ng Timorese Central Authority.
Napag-alaman na si Teves ay ino-obliga ng lorte na mag-report kada dalawang araw.
“At the end of this whole process, nasa tail end na po tayo maibalik natin si Ginoong Teves dito sa Pilipina para iharap ang mga kaso na inihain laban sa kanya,” giit ni Clavano.
Pinasalamatan naman ni Clavano ang korte sa Timor Leste dahil pinayagan ang gobyerno ng Pilipinas na makilahok sa proceedings.
Kaugnay niyan ay umaasa umano ang DOJ na magiging pabor sa gobyerno ang desisyon ng korte ukol sa nasabing kaso.














