Latest News

MRT-3, nakapagbigay ng libreng sakay sa 1,967 visually impaired passengers

By: Baby Cuevas

Umabot sa 1,967 ang mga pasaherong nakinabang sa libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga visually impaired passengers.

Ayon sa MRT-3, ang naturang mga pasahero ay sumakay ng libre sa kanilang mga tren mula Agosto 1 hanggang 6, 2023.

Nabatid na kasamang nakatanggap ng libreng sakay sa loob ng anim na araw ang hanggang sa isang aide o companion ng bawat pasaherong may kapansanan sa paningin.


“Nawa po ay naipadama ng MRT-3 sa aming libreng sakay ang pagsaludo at pagbibigay-pugay namin sa aming mga pasaherong may kapansanan sa paningin. Makaaasa po ang publiko na patuloy na magiging kaagapay ang MRT-3 sa pagsusulong ng mga karapatan ng lahat ng mga pasahero lalo na iyong may espesyal na mga pangangailangan,” saad ng Department of Transportation.

Ang libreng sakay ay ipinagkaloob ng MRT-3 bilang pagdiriwang ng White Cane Safety Day.


Tags: Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)

You May Also Like

Most Read