Latest News

MRT-3 mas maikling oras ng operation sa holiday

INIHAYAG ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na tuloy ang serbisyo nito sa panahon ng kapaskuhan ngunit magkakaroon lamang ng mas maikling oras ng pagtakbo.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magiging mas maikli ang oras ng operasyon sa Disyembre 24 at 31, kung saan ang unang tren ay darating sa North Avenue Station bandang alas-4:37 ng umaga at ang huling tren ay alas-7:48 ng gabi.


Darating ang unang tren para sa hilagang biyahe nito sa Taft Avenue Station sa alas-5:18 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-8:26 ng gabi.

Sa araw ng Pasko (Dis. 25) at araw ng Bagong Taon (Enero 1, 2023), magiging mas mahaba ang oras ng pagpapatakbo ngunit ang mga unang tren ay darating nang mas huli kaysa sa mga regular na oras ng pagpapatakbo.

Darating ang unang tren sa North Avenue Station sa alas-6:30 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-9:30 ng gabi.


Darating ang unang tren na magmumula sa Taft Avenue Station ng 6:30 a.m. at huling tren sa 10:09 p.m.

Sa Disyembre 30 at Enero 2, 2023, ang mga operasyon ay ibabatay sa mga regular na oras ng operasyon nito sa araw ng linggo, kung saan ang unang tren ay darating sa North Avenue Station ng 4:38 a.m. at huling tren ng 9:30 p.m.; at ang unang tren na dumarating sa Taft Avenue Station ay 5:19 a.m. at ang huling tren sa 10:09 p.m.


Pinaalalahanan ng MRT-3 ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng unsealed food items, armas at flammable substances para maiwasan ang pagkaantala sa paglalakbay.

Ang mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ng Covid-19, tulad ng mandatoryong paggamit ng mga face mask ay mananatiling ipatutupad.


Tags: Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)

You May Also Like