Latest News

MPOX ACTIVE CASES, UMAKYAT NA SA WALO

By: Philip Reyes

Umakyat na sa walo ang bilang ng aktibong kaso ng Mpox matapos na madagdagan ng tatlong kaso ng milder MPXV clade II.

Dahil diyan ay umabot na sa 17 ang naitalang kaso mula pa noong Hulyo,2022 at ayon sa Department of Health (DOH), dalawa sa tatlo ay taga- Metro Manila at ang isa ay mula sa Calabarzon.

Nabatid na ang cases 15 at 16 ay nagkaroon ng close intimate,skin- to- skin contact at nagkaroon din ng sexual encounters nang mahigit sa isang partner, habang ang Case 17 ay nagkaroon ng skin- to- skin sexual contact sa isang tao na may skin symptoms ng Mpox.

Napag-alaman na ang Mpox case 15 ay isang 29-anyos na lalaki at isang 34-anyos na lalaki na ang sintomas ay nakita noong Agosto 27, 2024 at kapwa taga- NCR.

Ang isa naman ay 29- anyos na lalaki mula sa Calabarzon, kung saan nagkaroon ito ng lagnat noong Agosto 19 at nagkaroon ng rashes sa mukha,talampakan at hita.

Napag-alaman na walang travel history ang tatlong bagong kaso ng Mpox 21 araw bago lumitaw ang sintoma nila.

“Better and wider risk communication is working, and so is improved access to consultation and testing. Anyone can get Mpox, but it is crystal clear that the mode of transmission here is close, intimate, and skin-to-skin contact. Prevention is also clear: avoid intimate contact, especially anonymous ones with multiple sexual partners,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa.

Tags:

You May Also Like

Most Read