Latest News

MPD, ZERO COVID NA

WALA nang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Manila Police District(MPD) hanggang nitong Pebrero 23, 2022.

Sa inilabas na datos ng MPD-Public Information Office, sinab ni chief PMaj. Philipp Ines na wala na ring pulis na nakaratay sa hospital at quarantine facility.

Lahat umano ng 1,154 pulis na dinapuan ng COVID 19 ay nakarekober na maliban sa limang pulis na nasawi noong kasagsagan ng pandemya.

Gayundin, sinabi ni Ines na kumpleto na din sa bakuna laban sa COVID-19 ang halos lahat ng pulis-Maynila.

Sa kabila nito,patuloy na pinag-iingat ang mga pulis at pinasusunod sa health protocols.

Tags:

You May Also Like

Most Read