MPD, todo bantay na sa rally

TODO-BANTAY na ang Manila Police District (MPD) sa mga lugar na pinupuntahan ng mga ralyista para pagdausan ng kanilang kilos protesta.

Ayon kay MPD Director PBGen Leo Francisco,tinututukan ngayon ng mga pulis ang Liwasan Bonifacio,tanggapan ng Commission on Election(Comelec),Intramuros,Supreme Court ,Mendiola,DOLE at US Embassy.


” Sa mga freedom park lang pwede pag walang permit basta hindi nakakasagabal. Other than freedom park bawal sila,”ayon kay Francisco.

Ayon kay Francisco,nakatanggap sila ng mga reports na may mga grupong magra-rally sa mga nabanggit na lugar kaya binabantayan ito ng mga pulis.

Samantala,sinabi naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mahigpit na ipatutupad sa Maynila ang “No permit,No rally”.


Sinabi ni Moreno na kinakailangan na mayroon silang permit para payagan sila na makapag rally. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like