Latest News

Inanunsiyo ni MPD chief PBGen. Ibay ang suspension ng PTCFORs. (JERRY S. TAN)

MPD: Permit to carry firearms sa NCR, suspendido mula Oktubre 13-18

By: Baby Cuevas

INIHAYAG ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Arnold Thomas Ibay na suspendido muna ang lahat ng permits to carry firearms sa Metro Manila simula nitong Linggo, Oktubre 13.

Ani Ibay, ito ay bahagi umano ng ipinatutupad na security measures ng mga awtoridad para sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na gaganapin naman mula Oktubre 14-15.

Sisimulan umano ang suspensiyon ganap na 12:01 a.m. ng Oktubre 13 hanggang 12 ng hatinggabi ng Oktubre 18, 2024.


“In view of the Philippine hosting of the Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) from October 14 to 18, 2024. All Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) are hereby suspended from 12:01 A.M of October 13, 2024 (Sunday) to 12:00 Midnight of October 18, 2024 (Friday) in the NCR,” ayon pa sa anunsiyo.

Sinabi pa ni Ibay na tanging ang mga miyembro lamang ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba lang Law Enforcement Agencies (LEAs) na gumaganap sa kanilang official duties at in agency-prescribed uniforms, ang pahihintulutang magbitbit ng armas.

Una nang sinuspinde ni Pangulong Marcos ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan, gayundin ang trabaho sa gobyerno sa mga lungsod ng Maynila at Pasay mula Oktubre 14 at 15 dahil sa naturang Asia-Pacific meet.


Tags: Manila Police District (MPD) Director PBGen. Arnold Thomas Ibay

You May Also Like

Most Read