Inilagay na sa heightened alert ang Manila Police District (MPD) dahil sa nalalapit na ika 54 anibersaryo ng Communist Partybof the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Disyembre 26.
Nabatid na iniutos ni MPD Director PBGen Andre Dizon, ang police visibility para mapigilan ang anumang pagtatangka ng komuniatang grupo na makapanggulo sa Maynila
Binigyan umano ng direktiba ni Dizon ang mga pulis na magbantay 24 oras partikular na sa mga matataong lugar gaya ng mga mall,simbahan at Divisoria.
Una nang inilagay ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang Special Action Force (SAF) at lahat ng miyembro ng 17 Regional Mobile Force Battalions (RMFB) sa mataas na alerto para magmanman. (Carl Angelo)














