Latest News

MPD, nagwagi sa float parade

Tumataginting na P400,000 na premyo ang napanalunan ng isinaling float ng Manila Police District (MPD) sa ginanap na parada sa ika 451 founding.anniversary ng Araw ng Maynila.

Nanguna ang MPD sa 14 na departamento sa Manila City Hall na lumahok sa parada.

Ayon kay PMajor Philipp Ines , hepe ng Public Information Office ( PIO) ng MPD sa kanilang float ipinakita ang iba’t uniporme ng mula pa nang itatag ang MPD.


Ang parada ay nagsimula alas.8 ng umaga na nagtapos sa Kartilya ni Andres Bonifacio .

Pinamunuan ni P/ Col. Julius Cezar Domingo, hepe ng Public Community Relation officer ang inilahok na float.


Binati naman ni MPD Director PBGen Leo “Paco” Francisco ang kanyang mga tauhan na lumahok sa selebrasyon ng Araw ng Maynila. (Baby Cuevas)


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read