MPD CHIEF IBAY, SINIMULAN NA ANG PAGHAHANDA SA ‘TRASLACION 2025’

By: Baby Cuevas

Inumpisahan na ng Manila Police District (MPD), sa pangunguna mismo ni Director Gen. Arnold Thomas Ibay, kasama ang mga opisyal ng Simbahan ng Minor Basilica ng Quiapo at mga opisyal ng Manila City Hall, ang preparasyon para sa nalalapit na Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno.

Alas- 5 ng umaga ng Disyembre 4 ay nagsagawa ng ‘walkthrough’ ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo at mga opisyal ng lungsod-Maynila at MPD sa pangunguna ni MPD Director Ibay mismo.

Ginawa nila ang ang paglalakad mula sa Quirino Grandstand at tinahak ang ruta ng Traslacion hanggang sa Simbahan ng Quiapo.


Ito umano ay bahagi ng paghahanda sa Nazareno 2025 sa Enero 9, kasabay sa Pista Ng Quiapo.

Ayon kay Ibay, layunin umano nito na tiyakin ang kaligtasan ng milyong deboto na linaasahang lalahok sa ‘Translacion 2025.’

Tags: Director Gen. Arnold Thomas Ibay

You May Also Like

Most Read